Ibinahagi ng cancer survivor na si Porsha Nicolas ang inspirasyong hatid ng BINI sa paglaban niya sa karamdaman, sa "Tao Po!" ni Bernadette Sembrano ng ABS-CBN News nitong Linggo Enero 19, 2025.
Nag-debut noong 2021, ang girl group na BINI ay produkto ng ABS-CBN training camp na binubuo ng walong miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Sheena at Jhoanna.
Tila nagkakaroon ng Last Song Syndrome o LSS ang marami dulot ng mga kanta at sayaw na pinauuso ng BINI. Pumatok din sa madla ang kanilang mga orihinal na kantang tulad ng “Pantropiko,” “Da Coconut Nut,” “Born To Win,” “Na Na Na,” “Pantropiko,” “Karera,” “Lagi,” “Salamin, Salamin,” “Huwag Muna Tayong Umuwi,” at “Cherry On Top.”
Ayon sa ulat, mahilig si Porsha at ang kaniyang pamilya sa musika kaya naman mabilis na nahulog ang loob niya sa BINI.
Graduate si Porsha ng Communication Arts noong 2018 sa University of Santo Tomas (UST). Handa na raw niyang pasukin ang mundo ng entertainment ngunit may nangyaring hindi inaasahan, matapos siyang ma-diagnose ng isang uri ng cancer na kung tawagin ay “Hodgkin lymphoma."
Ang Hodgkin lymphoma ay isang uri ng cancer sa lymphatic system, na bahagi ng immune system ng katawan. Ang sakit na ito ay nagmumula sa lymphocytes, isang uri ng white blood cell na tumutulong sa paglaban sa impeksyon.
Sa loob ng maraming taong pakikipaglaban sa cancer, naging inspirasyon daw ni Porsha ang BINI upang magpatuloy sa buhay. Nakarelate daw siya sa mga awitin ng girl group gaya ng “Karera,”, “Kapit Lang,” “ Na Na Nandito Lang,” at marami pang iba. Hanga rin siya sa perspektibo ng bawat isa sa buhay.
Mariah Ang