Trending sa X ang pangalan nina Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga at Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo matapos palagan ng mga netizen ang iginawad na titulong "RomCom Queen" kay Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado, dahil sa pagbabalik-pelikula niya.
Makikita sa post ng GMA Network noong Enero 18 ang patungkol sa comeback movie ni Jen, katambal ang mister na si Kapuso star at 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actor Dennis Trillo, gayundin si Kapamilya actor Sam Milby.
Ang nabanggit na romantic comedy movie ay pamagat na "Everything About My Wife" na ipalalabas sa mga sinehan sa darating na Pebrero 26.
Mababasa sa caption/post ng GMA Network, "JENNYLYN MERCADO IS BACK! "
"Marami na ang excited sa pagpapalabas ng bagong pelikula ni Jennylyn Mercado na binansagang "RomCom Queen" dahil sa kanyang successful romantic comedy projects sa big screen at telebisyon."
"Ipapalabas ang rom-com film na 'Everything About My Wife,' kung saan makakasama niya ang kanyang asawang si Dennis Trillo at si Sam Milby, sa mga sinehan simula February 26."
Sa comment section ng post ay marami sa mga netizen ang umalma sa pagbibigay ng "romcom queen" title kay Jennylyn, dahil ang mas karapat-dapat daw sa tawag na ito ay sina Toni Gonzaga, o kaya, si Sarah Geronimo.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:
"of GMA mahiya kay Toni G at Sarah G ."
"Romcom queen?!! Don't you dare steal it to The Laida Magtalas, The 3X BOX OFFICE QUEEN, THE ICONIC MOVIE QUEEN OF FAMAS, THE SARAH GERONIMO."
"Hoy gising @gmanetwork. Kakahiya kina Sarah at kay Toni."
"Romcom queen??? Ano bang tumatak na movie nya??? Nakakahiya naman sa hit movies ni Sarah G at Toni G!!!"
"I’d say it’s Toni Gonzaga, but we all have our opinions."
"Not a hater pero parang ang daming mas deserving sa title na yan. Hello Sarah Geronimo? Toni Gonzaga? Bwhwhwhwhwhhh"
"the true romcom queen is toni gonzaga"
"I do feel that if there was a RomCom Queen of the previous generation, it was Toni Gonzaga. Projects with John Lloyd, Piolo, Coco, Vhong, Sam, Zanjoe, heck even Luis Manzano and Vice Ganda all to varying degrees of critical and/or commercial acclaim. Her romcom run with the unofficial 'My' series -- My Big Love, My Only U, My Amnesia Girl already justifies the title."
Samantala, marami rin naman sa mga tagasuporta ni Jennylyn ang nagtanggol para sa kanilang idolo.
"Huh bat nman mahihiya eh si Jen nman tlaga ang may hawak ng title nayan dahil matagal nang walang movie si Sarah at toni G. Kaya wag kayong bitter bwakkkkk bwakkkkk bwakkkkk."
"No issues to this. Our ultimate star survivor jennylyn Mercado is a certified popssters too. Jen was hailed as one of the rom com queen because of her hit movies English only please walang forever and just the three of us. But then again no competition for this. Jen loves Sarah."
"Sinong nagsabing ninakaw ang title? Hindi ba pwedeng share sa title kung deserve din naman? Masyado lang talaga kayong sakim akala nyo kayo lang may karapatan at uulitin ko walang nakawan ng title na nagaganap. Inyong inyo na yan!!"
"ipa copyright nyo na Rin exclusive kay Sarah ang word na romcom queen para wala ng gumamit "
"Bakit,deserve naman ni Jen, saka hindi ba puwedeng maraming queens?"
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Jennylyn, Toni, at Sarah tungkol dito.