January 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Mahigit ₱400M halaga ng ilegal na droga sa Eastern Visayas, sinira ng PDEA

Mahigit ₱400M halaga ng ilegal na droga sa Eastern Visayas, sinira ng PDEA
(Photo via MB)

Mahigit ₱400 milyong halaga ng nakumpiskang ilegal na droga sa iba't ibang operasyon sa Eastern Visayas ang sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isang pahayag, inihayag ng PDEA na may kabuuang 58,930.0371 gramo ng shabu na may market value na ₱400,724,252.96; kabuuang 0.1123 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱13,486; at iba't ibang mga expired na gamot na nagkakahalaga ng ₱9,871.60 ang sinira noong Enero 17.

Isinagawa raw ang proseso ng pagsira alinsunod sa mandato ng Republic Act (RA) 9165, na nagbibigay ng kapangyarihan sa PDEA na sirain ang mga nakumpiskang droga at iba't ibang paraphernalia.

Pinangunahan ni PDEA Regional Director Bryan B. Babang ang pagsira sa mga drug at non-drug evidence at mga expired na gamot sa Heaven's Gateway Chapel sa Barangay Campetic, Palo, Leyte.

Probinsya

Tumatakbong konsehal sa Cotabato, patay sa pananambang

Chito Chavez