January 19, 2025

Home BALITA National

Amihan, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

Amihan, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Enero 19, na ang northeast monsoon o amihan at easterlies ang patuloy na nakaaapekto sa bansa.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan na may kasamang katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon.

Pinag-iingat ng PAGASA ang nasabing mga lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ang amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

National

200 Afghan nationals na nanatili sa PH habang hinihintay US visa, nakaalis na ng bansa

Samantala, inaasahang magdadala ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng bansa. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).