January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Agree? Tsismis, bahagi ng kultura ng showbiz sey ni Boy Abunda

Agree? Tsismis, bahagi ng kultura ng showbiz sey ni Boy Abunda
Photo Courtesy: Screenshot from YoüLOL (YT), Pexels

Ibinahagi ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang pananaw niya tungkol sa tsismis lalo na sa mundo ng showbiz.

Sa latest episode ng “Your Honor” noong Sabado, Enero 18, sinabi ni Boy na hindi raw magiging masaya ang showbiz industry kung wala ang mga tsismis.

“Pupuntahan natin ngayon ‘yong diskusyon na ano ba talaga ang tsismis? May tsismis na nakakatuwa, may tsismis na entertaining lamang. Biro. It’s almost a joke,” saad ni Boy. 

“Mayro’n namang mga tsismis na nagiging source of…information,” pagpapatuloy niya. “Mayro’n namang mga tsismis na talagang katulad ng sabi ko kanina ay paninira. [...]  Bahagi ng kultura ng showbiz ang tsismis.”

Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu

Pero tanong ng host ng vodcast na si Buboy Villar, bakit nga ba nahuhumaling ang marami sa pagsagap ng tsismis?

Ayon kay Boy, “Mayro’n tayong katuwaan na nakukuha 'pag iba ang pinag-uusapan. It's a sense of power, it's a sense of power that I'm able to talk about other people in this light 'di ba.”

“Karamihan sinasabi, ang tsismis ay ginagawa kapag nakatalikod ka. Hindi mo naman ginagawa ang tsismis harapan. Iba na 'yon,” dugtong pa ng King of Talk.

Kaya umaalma raw si Boy tuwing sinasabing tagapagpalaganap umano siya ng tsismis gayong kapag gumagawa ng talk show ay isinasaalang-alang nila ang pananaliksik.

“Kami halimbawa ng aking mga kasamahan sa ‘Fast Talk’] matagal ang proseso bago namin sabihin, 'Sandali! Sasabihin ba natin 'yan? Itatanong ba natin 'yan? Ano ba ang implication nito?’” paliwanag niya.