Nakaalis na ng Pilipinas ang halos 200 Afghan nationals na nanatili sa bansa habang hinihintay ang kanilang United States (US) visa, ayon sa US Embassy in Manila nitong Linggo, Enero 19.
Sa isang pahayag, ipinaabot ni US Embassy Spokesperson Kanishka Gangopadhyay ang pasasalamat ng pamahalaan ng US sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagtulong sa Afghan nationals.
“The government of the United States extends deep appreciation to the government of the Philippines for their cooperation and support for U.S. efforts to assist Afghan Special Immigrants,” ani Gangopadhyay.
Kinlaro rin ng embahada na halos 200 Afghan lamang ang dumating sa Pilipinas noong Enero 6 at hindi 300.
“Just under 200 Afghan nationals arrived in the Philippines on January 6 for final processing of their Special Immigrant Visa (SIV) applications at the U.S. Embassy in Manila,” saad ni Gangopadhyay.
Umalis daw ang lahat ng Afghan sa Pilipinas para sa kanilang imigrasyon sa US sakay ng commercial flights sa pagitan ng Enero 15 at 17.