Binasag na ng viral na estudyante at sampaguita vendor ang kaniyang katahimikan matapos masibak sa puwesto ang nakaalitan niyang security guard.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Sabado, Enero 18, 2024, nais daw humingi ng tawad ng binansagang “Sampaguita girl,” sa nasabing guwardiya.
“Gusto ko po humingi ng sorry sa kanya, and at the same time hindi ko po ginusto na matanggal siya sa trabaho,” saad ng naturang sampaguita vendor.
Matatandaang gumawa ng ingay ang video na kuha ng netizen kung saan makikita ang tila bayolenteng pagpapaalis ng isang security guard sa sampaguita vendor na noo’y nakaupo sa harapan ng isang sikat na mall sa Mandaluyong City.
Kasunod nito, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng naturang mall at kinumpirma na sinibak na nila sa serbisyo ang naturang security guard at sinabing hindi na raw ito maaaring mag-trabaho sa anumang branch nito.
KAUGNAY NA BALITA: Sekyu ng isang mall, sinibak sa puwesto dahil sa ginawa sa batang sampaguita vendor
Nakaamba na rin umanong mawalan ng lisensya ang security guard matapos magkasa ng administrative investigation ang Philippine National Police (PNP) Civil Security Group kaugnay ng insidenteng nangyari.
KAUGNAY NA BALITA: Posibleng tanggalan ng lisenya? Viral video ng sekyu sa isang mall, pinaiimbestigahan na!