January 18, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rosmar kay Sampaguita Girl: 'Ako ang bahala sa 'yo lilinisin ko pangalan mo!'

Rosmar kay Sampaguita Girl: 'Ako ang bahala sa 'yo lilinisin ko pangalan mo!'
Photo courtesy: Rosemarie Tan-Pamulaklakin (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang ginawang pagtulong ni social media personality, businesswoman, at tumatakbong konsehal ng Maynila na si Rosemarie Tan-Pamulaklakin o "Rosmar Tan" sa nag-viral na "sampaguita vendor" na marahas daw na itinaboy ng isang mall security guard kamakailan.

MAKI-BALITA: Sekyu ng isang mall, sinibak sa puwesto dahil sa ginawa sa batang sampaguita vendor

Ayon sa Facebook post ni Rosmar noong Huwebes, Enero 16, nakausap daw niya mismo si "Jenny" sa pamamagitan ng video call, na isang lehitimong estudyante sa isang pribadong paaralan; nasa First Year pa lamang at kumukuha ng degree program na "Medical Technology."

Pinadalhan daw niya ng ₱10,000 si Jenny at hinikayat na magnegosyo na lamang o magbenta ng kaniyang skincare brand.

Tsika at Intriga

Vic Sotto at Darryl Yap, halos pareho ng luxury car sa pagpunta sa korte

Ipinangako rin ni Rosmar na siya na raw ang "bahalang luminis sa pangalan nito" dahil sinasabing hindi naman daw talaga siya estudyante at parte lamang ng isang sindikatong nag-uutos sa mga batang magpanggap na estudyante at magbenta ng sampaguita sa mga matataong lugar gaya ng malls.

"Sa mga nagcocomment at one sided meet Jenny ang trending na SAMPAGUITA GIRL ngayon.

Hindi po sya ung vics girl or what so ever na tinutukoy nyo sobrang layo ng mukha nila. Pinahanap ko sya at para mapadalhan ko ng tulong kasi naaawa ako sakanya nung napanuod ko ang video. Parehas silang may mali knowing na bawal mag tinda dun pero nagtitinda pa rin sya, ginagawa lang ng guard ang trabaho nya. Un nga lang mali na sinipa at sinira ang paninda. Na para maipag patuloy ni Jenny ang pag aaral nya bilang 1st year Medtech," mababasa sa Facebook post ni Rosmar.

"btw iisa lang din daw ang uniform nya kaya ginagamit nya ang senior high uniform nya pag nilalabhan nya ang Uniform nya mismo. Naka video call ko sya and nakita ko mga frame na nakasabit sa bahay nila. Nag aaral talaga sya.

1st year college medtech and ngayon nahihiya syang lumabas dahil nacoconnect sya sa Vics girl or ibang tao. Sabi ko sige ako ang bahala sayo lilinisin ni ate rosmar ang pangalan mo."

"Aral ka ng mabuti para sa magandang future at tapusin mo ang pag aaral mo. Binigyan ko rin sya ng 10k para di mo na kailangan magtinda sa labas ng sampaguita. Mag tinda ka nalang ng inihaw o Rosmar Skincare sa labas ng bahay nyo. Godbless sayo Jenny."

Samantala, kinumpirma naman ng mga awtoridad na totoong estudyante at iskolar pa sa isang pribadong paaralan ang nag-viral na sampaguita vendor. 

MAKI-BALITA: Viral na sampaguita vendor, nagsumikap para makapagtapos ng pag-aaral, ayon sa ina

MAKI-BALITA: Mandaluyong Police, pinabulaanan na sindikato ang viral na batang sampaguita vendor

Samantala, bukod kay Jenny, pinapahanap din ni Rosmar ang tinanggal na security guard upang matulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa kaniya.

Inirerekomendang balita