January 19, 2025

Home BALITA National

Pro-BBM, Kakampink vloggers, nakiisa sa 'Pro-Impeach Sara Rally' sa EDSA

Pro-BBM, Kakampink vloggers, nakiisa sa 'Pro-Impeach Sara Rally' sa EDSA
Photo courtesy: screenshot from Bunyog - Pagkakaisa Public Page/Facebook

Ilang grupo ang nagtipon-tipon sa EDSA nitong Sabado, Enero 18, 2024, upang ipakita raw ang pagsuporta nila na tuluyan umanong ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

Ayon sa X post ni senatorial aspirant David D’Angelo mula BUNYOG Partylist noong Biyernes, Enero 17, ang partidong nag-organisa ng naturang kilos protesta, inaasahang nasa 80 political vloggers ang dadalo sa naturang pagtitipon.

"In a bold demonstration of unity and determination, the BUNYOG Party, together with approximately 80 political vloggers from diverse affiliations, will hold a Pro-Impeach Sara Rally on Saturday, January 18, 2025, at 1 PM. This rally aims to garner public support for the three impeachment complaints filed against Vice President Sara Duterte," ani Angelo.

Layunin daw ng naturang pagtitipon na ipakita ang impluwensya ng social media influencers hinggil sa isyung politikal at panlipunan. 

National

FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

"The Pro-Impeach Sara Rally represents a critical moment in Philippine politics, as diverse political factions unite to hold a high-ranking government official accountable. The event underscores the power of social media influencers and grassroots movements in shaping public discourse and pushing for change," saad ni David. 

Samantala, ayon sa mga ulat, kasama rin sa dumalo sa nasabing kilos-protesta ang ilan sa mga kilalang kritiko ni VP Sara na sina senatorial aspirant at ACT Teachers Partylist Representative France Castro, Gabriela Women's Partylist Rep. Arlene Brosas at ilang miyembro mula sa Magdalo.