Ibinahagi ng model-host na si Maggie Wilson ang development sa naging petisyon ng kaniyang dating mister na si Victor Consunji na pagbawalan siyang makausap at makita ng kanilang anak na si Connor, dahil isa raw siyang banta sa mental at physical well-being ng bata.
Ayon sa Instagram story ni Maggie, ang balitang ito ay isang good news na panimula sa taong 2025.
Ibinasura umano ng korte ang Temporary and Permanent Protection Order ng korte para mapigilan ang pakikipag-usap at pakikipagkita niya sa kaniyang anak na si Connor.
Nagpasalamat naman si Maggie sa presiding judge at sa family court dahil sa desisyong ito, na aniya, ay para sa mga inang kagaya niya ang dinaranas. Humingi rin siya ng tawad sa korte sa "behavior" daw ng kaniyang dating mister.
Sa huli, nagbigay ng madamdaming mensahe ang ina para sa kaniyang anak.
"My love for you is unwavering, standing strong against the tests of distance and time," aniya.