Maaari nang bilhin ng publiko ang kauna-unahang Olympic gold medal sa kasaysayan ng naturang torneo.
Ayon sa ulat ng AP News, tinatayang nasa $545,371 o katumbas ng higit ₱31M ang halaga ng nasabing 1904 Olympic medal. Ito ang kinikilalang isa sa mga kauna-unahang gintong medalya sa kasaysayan ng Olympics na ginamit noong 1904 St. Louis Olympics. Ito ay minsan nang iginawad kay American Track and Field player na si Fred Schule.
Ang America rin ang siyang humakot noon ng gintong medalya matapos idomina ang 78 categories mula sa kabuuang 96 Olympic events. Hindi katulad ng ilang Olympic medals ngayon na gawa sa pilak at gold plated, mas maliit at gawa raw sa tunay na ginto ang 1904 Olympic gold medal.
Matatandaang bago tuluyang magkaroon ng ginto sa 1904 Olympics, pawang silver at copper medals lamang iginigawaad noon sa mga nagwawaging atleta.
Samantala, sa panayam ng international media kay Olympic specialist Bobby Eaton, espesyal ang naturang medalya dahil
“No one really knows exactly how many 1904 Olympic gold medals are still out there,” ani Eaton.
Dagdag pa niya: “What we do know is they’re exceedingly rare. Of the roughly 100 gold medals awarded in St. Louis, many have been lost to time or are tucked away in private collections and museums.”
Kasama rin sa iba pang mga Olympics memorabilia na ipinasusubasta ay ang bronze medal mula 2024 Paris Olympics at ilang gold medals mula 1932 Los Angeles Olympics, 1964 Tokyo Olympics, 1998 Nagano Olympics at 2012 London Olympics.
BASAHIN: Ilang atleta sa Paris Olympics, ibinalik medalya nila; mabilis daw kinalawang?