January 18, 2025

Home FEATURES

Imahen ng auroras sa Jupiter, napitikan ng NASA

Imahen ng auroras sa Jupiter, napitikan ng NASA
Courtesy: X-ray: NASA/CXC/SAO; Infrared: NASA/ESA/CSA/STScI; Image Processing: NASA/CXC/SAO/J. Major, S. Wolk⁣ via NASA IG

“Auroras sa Jupiter!”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang imahen ng auroras sa planetang Jupiter na nakuha daw ng kanilang Hubble Space Telescope.

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na kilala ang pinakamalaking planeta sa solar system na Jupiter sa pagkakaroon nito ng X-ray-producing auroras sa palibot ng poles nito.

“But those aren’t the only rays in the neighborhood,” anang NASA.

Human-Interest

KILALANIN: Sino si Carmelle Collado?

“In this image of Jupiter, the purple space lumps surrounding the planet are massive clouds of X-rays observed by our [NASA Chandra Xray telescope—some are even larger than the planet itself.”

Makikita rin ang auroras ng Jupiter bilang isang manipis na purple bands, partikular na sa north pole ng planeta.

Bukod dito, matatagpuan sa naturang larawang ibinahagi ng NASA ang Jupiter na nasa infrared frequencies.