January 19, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Halata ang green screen? Finale episode ng Widow's War, umani ng reaksiyon

Halata ang green screen? Finale episode ng Widow's War, umani ng reaksiyon

Lumikha ng ingay ang pagtatapos ng murder mystery drama series ng GMA Network na "Widow's War" na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Carla Abellana, nitong Biyernes ng gabi, Enero 17.

Sa kabuuan ay umabot ng 145 episodes ang nabanggit na serye na nagsimulang umere noong Hulyo 1, 2024, sa direksyon nina Zig Dulay at Jerry Lopez Sineneng.

Marami ang natuwa sa ending ng serye lalo na sa mga talagang sumubaybay rito mula sa episode 1, dahil sa galing ng pag-arte ng cast, gayundin sa iba't ibang plot twists na talagang hindi raw inasahan ng mga manonood.

Nagulat din ang mga manonood sa pagtatapos na namatay ang karakter ni Sam na ginagampanan ni Bea, matapos siyang takutin ni Rebecca, ginagampanan naman ni Rita Daniela, nang magsuot siya ng maskara ng mukha ni Paco, na ginampanan naman ni Rafael Rosell.

Teleserye

Richard, napikon ba matapos sabihang nagsama mga 'cheaters' sa 'Incognito?'

Hindi raw kasi ito tipikal na teleseryeng Pinoy na happy ending ang nangyayari.

Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng puna ang eksena nina Bea at Carla sa cliff habang nakaharap sa dagat.

Kitang-kita at halatang-halata raw kasi na "green screen" ito, o kadalasang ginagamit sa mga fantasy-themed movies o series.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Widow's war started off super strong but ended kind of mid; it wasn't the ending I hoped it would be. I think because this is an effect of being extended na nawala ang original 'charm' and core of the show tapos napalitan pa ang director. However, we have to give credit where the credit is due; this show was really good and gave a breath of fresh air sa Pinoy drama scene. It was on another level in terms of cinematography, story, thrill and the actors' performances. As someone who made this a nightly habit, i will surely miss this show."

"Fantastic job to the entire production team and cast of Widow's War! While the series may have its flaws, l thoroughly enjoyed most of it. The acting was simply brilliant...Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Carla Abellana, Rita Daniela, Royce Cabrera, Benjamin Alves, Rafael Rosell, Timmy Cruz, Lito Pimentel, Jackie Lou Blanco, Lovely Rivera, Arthur Solinap, Jeric Gonzales, Mike Tan and Bea Alonzo truly delivered outstanding performances. Kudos to the creative team for the gripping storytelling, stunning visuals, and emotional depth that brought the series to life. Well done to everyone involved, you've created something truly memorable! "

"The Finale is so Cheap but the acting was Great. Continuation of New series will unfold on Soledad Palacios..."

"Salamat GMA sa finale. Maganda ang ending. Hindi kailangan na gayahin ang ending ng halos lahat na drama series na puro happy ending. Hindi lahat sa buhay ay may happy ending. KUDOS TO THE TEAM!"

"CONGRATULATIONS WIDOW'S WAR , I watched it from Start to Finale, Fan from Australia "

"Kung gagamit ng green screen, sana inayos ang ilaw at editing. Nasayang yung magandang nasimulan."

"Wow, all the question were answered. This give a full closure to a masterpiece. Thank you so much sa lahat ng bumuo ng widows war. Napakaganda talaga.. "

"Hindi man lang inayos yung sa green screen? Doon pa talaga sa eksena nina Bea and Carla? Or sana ginawa na lang gabi para hindi masyado halata."

"LITERALLY, HOW DARE U END THIS SHOW THIS WAY? I watched it from day 1, no skipping even if puro flashbacks Lang for 2 weeks nung holiday season. It started so strong, like no other GMA show before. Hay, sayang naman "

"Grabe, pinanood ko to from the 1st episode. I have mixed feelings kasi sobrang laki ng potential ng story na to because it subverts teleserye tropes, though it has many flaws but the ending kinda ruined it kaya I'm disappointed talaga.Andun na yung plot, script at yung revelations, pero katulad ng puna ko sa previous episode, di pa rin talaga maganda yung execution. Nung namatay si Sam, walang reactions from Mercy and George. Sobrang rushed, nakakadismaya yung green screen oh my gosh. The viewers and the story deserves better."

"Bravo GMA Kapuso, napaka husay netong Widows War.. 1 of a kind teleserye! Congrats sa cast & crew at sa buong production. Ang Galing niyo lahat."

"maganda ang story and the plot twists. the problem was the execution and it all because of the new director. sobrang sayaaaaang!!!!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang production team ng Widow's War o ng GMA Network tungkol dito.