January 18, 2025

Home BALITA Probinsya

Diocese ng Bacolod, nagbabala laban sa isa umanong pekeng pari

Diocese ng Bacolod, nagbabala laban sa isa umanong pekeng pari
Diocese of Bacolod (via MB)

Naglabas ng babala ang diocese ng Bacolod laban sa umano’y pekeng pari sa Bago City, Negros Occidental na nagsasagawa raw ng misa at iba pang aktibidad tulad ng pagkakasal.

Kamakailan lamang nang matuklasan ng ilang mga Katolikong walang record ang kanilang kasal at binyag sa Diocese of Bacolod. Doon na raw nadiskubre ng diyosesis na pekeng pari ang nagbigay ng sakramento sa mga ito.

Sa isang advisory nitong Biyernes, Enero 16, inihayag ng Diocese of Bacolod na hindi awtorisadong pari ng Roman Catholic Church ang nagpapakilala raw na REV. FR. MARIO D. DIVINA mula sa Chaplaincy of the Holy Trinity ng Bago City.

Binanggit din ng diyosesis na “walang nag-eexist” na Chaplainey of the Holy Trinity bilang isang aktuwal na simbahan ng Katoliko.

Probinsya

3 HS students na menor de edad, nahuling may dalang ‘marijuana’ sa loob ng paaralan

“Let it be known to the faithful that a certain REV. FR. MARIO D. DIVINA, who presents himself as a missionary priest of the Chaplaincy of the Holy Trinity, in Bago City, Negros Occidental, is not a priest of the Roman Catholic Church, and consequently is not a cleric of the Diocese of Bacolod,” nakasaad sa pahayag.

“The diocese, so far, has not established that the Chaplainey of the Holy Trinity even exists as an actual physical church, catholic or otherwise.”

“While he wears the vestments of a Catholic priest, whatever sacraments he may confer, and the accompanying documents that he issues, may be doubtful in their validity, and are certainly unlawful,” dagdag ng Diocese of Bacolod.

Pinaalalahanan din ng diyosesis ang mga mananampalatayang sa mga simbahan at parokya nila sila magtungo para sa paghingi ng blessing at sakramento tulad ng kasal at binyag.

“The faithful are kindly reminded to avail of the sacraments, blessings, and sacramentals from their proper parish churches, chaplaincies, oratories, and duly-recognized religious priests in the diocese,” saad ng diyosesis ng Bacolod.