January 18, 2025

Home BALITA National

Bulkang Kanlaon, patuloy na nagbubuga ng abo; nasa Alert Level 3 pa rin

Bulkang Kanlaon, patuloy na nagbubuga ng abo; nasa Alert Level 3 pa rin
Courtesy: Phivolcs/X screengrab

Patuloy sa pagbubuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Sabado, Enero 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa isang advisory, nagbahagi ang Phivolcs ng time-lapse footage ng nagpapatuloy na ash emission mula sa summit crater ng Kanlaon.

Nagsimula raw ang pagbuga ng abo ng Kanlaon nitong Sabado dakong 9:58 ng umaga.

“This event generated grayish plumes that rose 150 meters above the crater before drifting south west as recorded by the IP Cameras in Mansalanao, La Castellana (VKMN) station and Kanlaon Volcano Observatory in Canlaon City,” dagdag ng Phivolcs.

National

Impeachment complaints laban kay VP Sara, kapos pa rin sa suporta ng Kamara<b>—House SecGen</b>

Nananatili naman ang status ng bulkan sa Alert Level 3 (magmatic unrest).

Matatandaang noong Disyembre 9, 2024 nang itaas ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang Kanlaon kasunod ng naging pagputok nito.

MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!

Inirerekomendang balita