January 18, 2025

Home BALITA National

84% ng mga Pinoy, suportado hakbang ng gov't sa WPS – OCTA

84% ng mga Pinoy, suportado hakbang ng gov't sa WPS – OCTA
(MB file photo)

Tinatayang 84% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa hakbang ng pamahalaan para ipaglaban ang West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng presensya ng China, ayon sa resulta ng survey ng OCTA Research.

Base sa survey ng OCTA na inilabas nitong Biyernes, Enero 17, naitala sa Metro Manila ang pinakamataas na porsyento ng mga respondent na naghayag ng suporta sa paraan ng gobyerno upang ipaglaban ang soberanya ng bansa sa WPS (90%). 

Sinundan naman ito ng Visayas (87%), Mindanao (83%), at Balance Luzon o mga probinsya sa Luzon na hindi kasama ang Metro Manila (81%).

Kasabay nito, 15% naman daw ng mga Pilipino sa bansa ang nagsabing hindi pa nila maibibigay ang kanilang opinyon kung sang-ayon ba sila o hindi sa mga hakbang ng pamahalaan sa pinag-aagawang teritoryo.

National

Pro-BBM, Kakampink vloggers, nakiisa sa 'Pro-Impeach Sara Rally' sa EDSA

Samantala, 91% daw ng mga Pilipino ang may kamalayan sa isyu hinggil sa WPS.

Isinagawa ng OCTA ang survey mula Nobyembre 10 hanggang 16, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas.