January 18, 2025

Home BALITA Probinsya

3 HS students na menor de edad, nahuling may dalang ‘marijuana’ sa loob ng paaralan

3 HS students na menor de edad, nahuling may dalang ‘marijuana’ sa loob ng paaralan
Courtesy: Batangas PPO PIO via GMA News

Tatlong mga estudyanteng menor de edad ang nahuli ng guro na may dala umanong hinihinalang marijuana sa loob ng kanilang paaralan sa Balayan, Batangas.

Base sa ulat ng GMA News, ibinahagi ng Balayan Municipal Police Station na pare-parehong 15-anyos ang tatlong high school students sa Balayan National High School.

Ayon sa police report, naghahanda na ang dalawang estudyanteng gumamit ng umano’y marijuana nang mahuli sila ng isang guro nitong Biyernes, Enero 17. Matapos nito, agad daw na lumabas ang isang suspek habang umamin ang isa sa guro na gagamitin na sana nila ang dala nilang marijuana bago sila mahuli.

Isinuko naman daw ng ikatlong estudyante ang ebidensya ng naturang hinihinalang ilegal na droga sa mga guro.

Probinsya

Diocese ng Bacolod, nagbabala laban sa isa umanong pekeng pari

Dagdag ng ulat, tinurn over ang mga estudyante sa Principal’s office kasama ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang dried marijuana leaves at seeds, at isang piraso ng improvised glass tube.

Agad naman daw na nagtungo ang personnel ng municipal police station nang matanggap nila ang tawag ng head teacher ng naturang paaralan dakong 5:20 ng hapon nito ring Biyernes upang magsagawa ng imbestigasyon.

Ipinadala raw sa pulisya ang naturang hinihinalang ilegal na droga para sa proper disposition.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang Balayan Municipal Police Station sa Municipal Social Welfare and Development Office ng munisipalidad at isinailalim sa kustodiya ang mga estudyante kaugnay ng children in conflict with the law (CICL).