January 18, 2025

Home BALITA National

Pamilya ng OFW na nasawi sa Kuwait, maling bangkay ang natanggap; naglabas ng saloobin

Pamilya ng OFW na nasawi sa Kuwait, maling bangkay ang natanggap; naglabas ng saloobin
Photo courtesy: Newswatch+ Philippines/Facebook

Naglabas ng pahayag ang pamilya ng Pinay na Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa Kuwait noong Enero 2, 2025, matapos umanong magkapalit ang bangkay ng biktima at isang Nepali national.

Sa pagharap sa media ng kaanak ng OFW na si Jenny Alvarado nitong Biyernes, Enero 17, tahasan nilang iginiit na hindi raw “ayos” ang nangyaring insidente sa kanila.

“Hindi po okay. Kahit sino naman po ‘pag hinatiran ka ng ibang bangkay at hindi nanay mo, magagalit ka,” saad ng kaanak ng biktima.

Nasawi si Alvarado sa Kuwait dahil umano sa coal suffocation na siyang nagdulot ng “cardiac arrest,” batay sa death certificate ng biktima.

National

PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

Matatandaang nauna nang akuin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang nangyaring insidente kung saan maling bangkay ang nauna nilang ihatid sa pamilya ng biktima. 

Napag-alamang labi ng isang domestic worker na Nepali ang naihatid sa pamilya ni Alvarado na kapuwa nasawi rin si Kuwait.

Samantala, hustisya rin ang sigaw ng pamilya ni Alvarado na naniniwalang tila may “foul play” daw sa pagkamatay nito.

“Dahil nakikita naman po natin na may foul play talaga. Kahit po na lumabas po yung imbestigasyon is gusto ko po na may malinaw na imbestigasyon sa ibang bansa. Gusto ko po nang mahabang proseso. Nanawagan po ako sa Presidente na maging aware na siya dahil marami na pong namamatay sa Kuwait. Gusto ko po na maging aral na po ito sa ating mga Pilipino,” giit ng kaanak ni Alvarado.