January 23, 2025

Home BALITA National

NBDB, magbibigay ng ₱200,000 publication grant

NBDB, magbibigay ng ₱200,000 publication grant
Photo Courtesy: NBDB (FB)

Binuksan ng National Book Development Board (NBDB) ang aplikasyon para sa mga interesadong makatanggap ng publication grant na hanggang ₱200,000.

Sa Facebook post ng NDBD noong Huwebes, Enero 16, sinabi nila na ang nasabing programa ay para sa mga publisher, enterprises, institution, manunulat, at editor na gustong maglathala ng Pilipinong libro.

“We are accepting applications until 13 February 2025.” saad sa caption.

Bukod dito, kalakip ng nasabing post ang policy guidelines, operational guidlines, at listahan ng mga requirementGayundin ang application form at application proposal.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Samantala, para naman sa iba pang tanong at paglilinaw, bisitahin lang ito https://drive.google.com/file/ o makipag-ugnayan sa [email protected] at kay Jefel Casera sa pamamagitan ng numerong ito +63 956 516 5644.

Matatandaang NBDB ang pangunahing ahensya na responsable sa pagpapalaganap ng patuloy na pagpapaunlad sa paglalathala ng mga de-kalidad na libro at akda sa bansa.