Nagpaabot ng pakikiramay ang Pampanga High School sa pamilya at mga kaibigan ng kanilang Grade 12 student na pumanaw matapos maiulat ang pagkawala nito noong Lunes, Enero 13.
Sa Facebook post ng nasabing paaralan noong Huwebes, Enero 16, magbibigay sila ng counseling at psychological first aid para sa mga staff at estudyante naapektuhan ng insidente.
“Our thoughts and deepest condolences go out to her family, friends, and loved ones during this difficult time. Counseling and psychological first aid are being provided to affected students and staff, in line with the DepEd Memorandum, which emphasizes mental and psychosocial support,” saad ng Pampanga High School.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang paaralan sa gumugulong na imbestigasyon matukoy ang sirkumstansya ng nasabing insidente.
Bukod dito, nakiusap din sila na habang hinihintay ang mga beripikadong impormasyon mula sa mga awtoridad, iwasang magpakalat ng mga malisyosong espekulasyon.
“May her soul rest in peace,” sabi pa ng paaralan.
Samantala, sa Facebook post naman ng ama ng estudyante ay humingi ito ng pag-unawa kung hindi makapagbigay ang pamilya ng detalye tungkol sa pagkamatay nito.
Gayunpaman, nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong.