January 18, 2025

Home BALITA National

Espiritu sa anunsyong ‘zero burial assistance’ ng OVP: ‘Trabaho na pala ng VP maging sepulturera?’

Espiritu sa anunsyong ‘zero burial assistance’ ng OVP: ‘Trabaho na pala ng VP maging sepulturera?’
Atty. Luke Espiritu at VP Sara Duterte (file photo)

Nag-react si Atty. Luke Espiritu sa naging pag-anunsyo ng opisina ni Vice President Sara Duterte na walang pondo ang kanilang medical and burial assistance program sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Matatandaang sa isang pahayag noong Miyerkules, Enero 15, inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na walang naaprubahang pondo para sa kanilang programa sa medical at burial assistance para sa taong ito.

MAKI-BALITA: OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program

Sa isa namang pahayag nitong Huwebes, Enero 16, inalmahan ni Espiritu ang “pagrereklamo” raw ng opisina ni Duterte ukol sa nasabing programa.

National

PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

“Zero ang ‘burial assistance’ fund ni Sara Duterte? Why naman reklamo? Sepulturero na ba ang bagong trabaho ng VP?” ani Espiritu.

“Trabaho na pala ng Vice-President ng Pilipinas ang maging sepulturera?”

Sinabi rin naman ng senatorial aspirant na walang problema kung may programa para sa medical at burial assistance ang OVP, ngunit, giit niya, nararapat lamang umanong hindi bigyan ng budget si Duterte dahil sa umano’y maling paggamit daw nito ng confidential funds.

“Seriously, wala naman sanang problema kung may ganitong tulong mula sa OVP, pero deserve ni Sara Duterte ang ZERO BUDGET dahil walang justification ang paglustay ng ₱125 million na confidential funds in 11 days,” giit ni Espiritu.

“Kailangan palakasin ang mekanismo ng pagseserbisyo ng gobyerno sa mahihirap nang may transparency and accountability at nang walang pang-eepal kapalit ang boto,” saad pa niya.

Matatandaang noong Disyembre 30, 2024 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ₱6.352-trillion national budget para sa 2025, kung saan pinanatili ang budget ng OVP sa ₱733-million, mahigit isang bilyong mas mababa kumpara sa orihinal na panukalang budget na ₱2.037 bilyon.

MAKI-BALITA: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025