January 17, 2025

Home BALITA Metro

Crime rate sa Metro Manila, bumaba—NCRPO

Crime rate sa Metro Manila, bumaba<b>—NCRPO</b>
Photo courtesy: Pexels

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba umano ang crime rate sa Metro Manila mula Nobyembre 2024 hanggang Enero 2025.

Batay sa inilabas na datos ng NCRPO nitong Biyernes, Enero 15, 2025 nasa 23.73% daw ang ibinaba ng crime rates mula sa mga nabanggit na buwan na katumbas ng 768 crime index. Mas mababa raw ito kumpara noong 2023 na may 1,007 cases.

Dagdag pa ng NCRPO, 976 na rin mula sa 1,190 na most wanted ang kanilang nasakote habang 352 indibidwal na raw ang kanilang natimbog dahil sa illegal firearms.

Kaugnay nito, kumbinsido rin ang naturang ahensya na malaking tulong daw ang pagpapaigting ng kanilang presensya sa mga lansangan upang maiwasan ang mga krimen.

Metro

Viral na sampaguita vendor, nagsumikap para makapagtapos ng pag-aaral, ayon sa ina

“NCRPO shall consider these initial operational milestones as our motivation to remain committed in performing our mandate of keeping the peace in Metro Manila,” saad ni NCRPO chief Police Brigadier General Anthony Aberin.

Dagdag pa niya: “With the help of a responsive community, we shall continue with our 'back to basics' approach in crime prevention and solution, while fully embracing innovations in law enforcement.”