January 18, 2025

Home BALITA Metro

Agency ng viral na sekyu, humingi ng paumanhin sa nangyaring insidente

Agency ng viral na sekyu, humingi ng paumanhin sa nangyaring insidente
Photo courtesy: Redeye II and screenshot from contributed videos/Facebook

Naglabas ng pahayag ang agency na kinabibilangan ng viral security guard ng isang mall hinggil sa isyung kinasangkutan nito sa isang batang sampaguita vendor kamakailan.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ipinaabot ng Redeye II nitong Huwebes, Enero 16, 2025 ang paghingi umano nila ng paumanhin sa nangyaring insidente.

“We acknowledge the viral video involving the guard at Megamall and deeply regret that this incident occurred. We sincerely apologize for the actions displayed in the video and assure everyone that we are already conducting due process with the guard involved,” saad ng agency. 

Dagdag pa nito: “May this serve as a reminder to all agencies of the values we must uphold in performing our duties. It is crucial to prioritize de-escalation and avoid letting emotions take control of our actions.”

Metro

Crime rate sa Metro Manila, bumaba<b>—NCRPO</b>

Bagama’t hindi nilinaw ng Redeye II ang magiging estado ng kontrobersyal na security guard, siniguro naman nitong mananatili pa rin daw silang magpapaalala sa kanilang mga empleyado ng kabutihang asal at professionalism sa kanilang trabaho.

“We are truly sorry for any distress this incident may have caused. Rest assured, we will continue to remind our team to act with empathy, compassion, and professionalism at all times. We remain fully committed to our client’s mission of inclusivity and ensuring that our actions reflect these values,” saad ng Redeye II.

Matatandaang usap-usapan sa social media ang kumalat ng video ng security guard kung paano tila naging bayolente ito sa pagpapaalis sa batang estudyanteng at sampaguita vendor nakaupo sa hagdanan sa labas ng SM Megamall.

KAUGNAY NA BALITA: Sekyu ng isang mall, sinibak sa puwesto dahil sa ginawa sa batang sampaguita vendor