Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Agusan del Sur dakong 4:55 ng hapon nitong Biyernes, Enero 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Talacogon, Agusan del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Inaasahan din daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.