February 08, 2025

Home BALITA Probinsya

Tindero ng isda, ninakawan ng halos ₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke

Tindero ng isda, ninakawan ng halos <b>₱30k matapos makatulog sa harapan ng palengke</b>
Photo courtesy: screenshot from contributed video/Facebook

Nahagip ng CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa tindero ng isda matapos itong makatulog nang mahimbing sa harapan ng Pasil Fish Market sa Cebu City.

Ayon sa mga ulat, mapapanood sa naturang CCTV footage ang paniniktik ng suspek upang masaktuhan ang ang isang supot na may laman umanong ₱30K na noo’y nakasuksok umano sa may bewang ng biktima habang natutulog sa isang karton sa palengke. 

Ayon sa awtoridad, ang biktima ay isang tindero ng isda na napaidlip daw habang nag-aantay ng pagdating ng kaniyang mga paninda. 

Batay sa imbestigasyon, lumalabas na posible raw natiktikan ng suspek ang biktima at sinadya umanong inaantay na makatulog ito bago tuluyang isagawa ang pagnanakaw. Bagama’t may CCTV sa pinangyarihan ng krimen, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Probinsya

Private plane bumagsak sa Maguindanao del Sur; 4 patay, kalabaw nadamay

Nakiusap na umano sa publiko ang biktima na agad makipag-ugnayan sa pulisya o sa kanilang barangay sa sinumang nakakakilala sa suspek.