Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Southern Leyte dakong 11:09 ng umaga nitong Huwebes, Enero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmula ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Hinunangan, Southern Leyte, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Sogod, SOUTHERN LEYTE.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.