Usap-usapan sa social media ang viral video ng security guard ng isang sikat na mall kung saan mapapanood ang pagpapaalis nito sa isang batang sampaguita vendor sa Mandaluyong City.
Batay sa kumakalat na videos, mapapanood kung paano tila naging bayolente ang security guard sa pagpapaalis sa batang estudyanteng nakaupo sa hagdanan sa labas ng SM Megamall na may bitbit na sampaguita.
Makikita rin sa naturang video kung paano pilit na hinablot ng security guard ang sampaguitang bitbit ng estudyante. Bunsod nito, sinubukang hampasin ng bata ang security guard gamit ang plastic ng kaniyang sampaguita. Mapapansin din sa video na bahagyang sinipa pa ng sekyu ang bata.
Kaya naman, ang nasabing video na agad kumalat sa Facebook, TikTok at X na umani ng samu’t saring reaksiyon laban sa naturang security guard.
“Kailangan ba patulan ang bata pwede naman kausapin ng maayos?”
“Hindi tama ‘yan. Kahit paano ko tingnan, mali ang ginawa ng guard.”
“Kung paalisin ‘wag naman sana sa ganiyang paraan.”
“Puwede naman sabihin ng mahinahon sir bat ganun po inasal mo sa bata.”
“Pwedeng kausapin naman, grabe naman si kuya.”
“Maling-mali ginawa sir SG. Sinipa niya pa menor de edad.”
Samantala, naglabas naman ng pahayag nitong Huwebes, Enero 16, 2025, ang pamunuan ng SM Megamall at inihayag na nakikisimpatiya raw sila sa dinanas ng bata mula sa kanilang empleyado.
“We regret and sympathize with the young girl who experienced an unfortunate incident outside our mall,” anang naturang mall.
Dagdag pa nito, sinibak na raw nila ang security guard at hindi na raw ito maaaring maging empleyado pa ng kahit na anong branch ng naturang mall.
“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation. The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls,” saad ng pamunuan ng mall.
Kaugnay nito, tila maraming netizens naman ang sumuporta sa naging pagtugon ng mall sa nasabing isyu.
“Walang kwenta yung guard niyo!”
“Thanks to social media. Hopefully, maging vigilant din ang mga tao sa paligid.”
“Goods lang ginawa ng SM tinanggal nila, yung guard baka sa susunod mamaril na ‘yan ng bata.”
“Tama lang ‘yan kadalasan talaga sa mga guard feeling pulis kung umasta ang yayabang.”
“Ayan ang napapala ng mga entitled na sekyu!”
“Dapat kasuhan pa yung guard ng child abuse sinipa nya yung bata!”
Samantala, may ilang netizens din naman ang tila nagbigay ng simpatya mula sa sinibak na security guard at iginiit na ang may kasalanan umano ay ang mahigpit na “protocols” ng naturang establisyemento.
“SM, we may also consider that the security guard might not acted the way he does if the company didn’t place so much pressure on him. We need to look into the root cause, as it's possible that adjusting your approach toward your own people could make a difference.”
“You say that, but usually the guards are just following the orders of the higher ups to remove them from the premises because they'll ruin the image of your "Supermalls.”
“Hindi maglalakas ng loob ng guard na gawin yung ganito kung hindi din yan utos ng mas nakakataas sa kanila.”
“That's unfair to the security Guard who follows the Protocols.”
“Yung guard, trabaho lang, kung ano inutos or rules ng mall na bawal yung ganto, sumusunod lang siya sadyang naubusan lang ng pasensya at sapilitan na ang pagpapaalis.”
“Hmm the question here is, what was the instruction or directive given to all security guards when this kind of situation happens?”