January 16, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

MMFF 2024, tumabo ng ₱800M sa takilya—MMDA

MMFF 2024, tumabo ng <b>₱800M </b>sa takilya—MMDA
Photo courtesy: MMDA,MMFF/Facebook

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umabot na sa ₱800 milyon ang gross sales ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa inilabas na pahayag ng MMDA sa kanilang Facebook account nitong Miyerkules, Enero 16, 2025, nagpasalamat ang pamunuan ng naturang ahensya sa lahat ng stakeholders at mga sumuporta sa ika-50 edisyon ng MMFF.

"The MMFF would like to thank all the stakeholders and the public for making its 50th edition one for the books," anang MMDA.

Dagdag pa ng ahensya, nanguna sa sampung MMFF entries ang: “And the Breadwinner Is,” “Green Bones” at “The Kingdom.”

Pelikula

‘Bayaniverse is back!’ Produksyon ng historical film 'Quezon,' sisimulan na sa Marso

Matatandaang nauna na ring ihayag ng Star Cinema na ang “And the Breadwinner Is” na pinagbibidahan ni "Unkabogable star" Vice Ganda ang siyang naging highest grossing film matapos kumita ng ₱400M. 

KAUGNAY NA BALITA: 'And The Breadwinner Is...' kumita na ng mahigit ₱400M

Samantala, siniguro naman ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na mas pagbubutihin pa raw nila ang pagtataguyod ng kalidad na pelikulang Pilipino. 

“Rest assured that the MMFF will continue all efforts by encouraging our stakeholders, especially the local entertainment industry, to create quality films. The key to our success is in collaborating, helping and supporting each other instead of fueling divisiveness, coming out with unsubstantiated claims, and sweeping judgments,” ani Artes.

Noong 2023 umabot sa ₱1B ang kinita ng MMFF na kinikilalang “highest-grossing edition of all time” ng MMDA magmula nang mag-umpisa ang naturang film festival noong 1975.