January 16, 2025

Home BALITA National

Malacañang, naglabas ng pahayag hinggil sa komento ni Enrile sa INC rally

Malacañang, naglabas ng pahayag hinggil sa komento ni Enrile sa INC rally
(File photo)

Naglabas ng pahayag ang Malacañang hinggil sa naging komento ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na maaari umanong humarap ang bansa sa “very detrimental precedent” kung hindi masunod ang nais mangyari ng Iglesia Ni Cristo (INC) nang isagawa nito ang National Rally for Peace noong Lunes, Enero 13.

Matatandaang sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Enero 15, nagbigay ng pananaw si Enrile hinggil sa impeachment kasunod ng nangyaring peace rally ng INC.

“There is a bigger question. Can the INC with all its members amend the Constitution or suspend any of its provisions? Are we prepared to discard or sacrifice the value of RULE OF LAW for a person or a group of persons? Impeachment is just a constitutional legal process to REMOVE a government official from his office if there is a ground and evidence to support it. The impeached official is not going to jail by the mere fact of his impeachment,” ani Enrile.

“As a nation and a state , we will incur a very detrimental precedent if we follow the logic implicit in the INC rally that they mounted. Are we prepared and ready to face the long term consequences of that INC move?” saad pa niya.

National

Surigao del Norte, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Kaugnay nito, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes, Enero 16, na palagi raw bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ideya ng mga miyembro ng kaniyang gabinete, tulad ni Enrile.

Gayunpaman, nananatili raw na hindi nagbabago ang posisyon ng pangulo hinggil sa isyu ng nakahaing impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

“The president has always nurtured a culture of open ventilation of ideas within the Cabinet. In this way policymaking is enriched by diverse views resulting in decisions distilled from a wealth of varied experiences, different disciplines, and special expertise of those who contribute,” ani Bersamin.

“It is in this spirit that Secretary Enrile came forward with his views. While his thoughts may carry weight and are always valued, his is one of many that the President seriously considers.

“Nonetheless, the President’s stand on the issue concerned remains unchanged,” saad pa niya.

Matatandaang noong Enero 13 nang magsagawa ang INC ng peace rally sa 13 sites sa iba't ibang panig ng Pilipinas, kabilang na ang Quirino Grandstand sa Maynila na dinaluhan daw ng mahigit 1.58 milyon upang ipanawagan ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.

Layunin din daw ng naturang rally ng INC ang pagpapaabot nila ng suporta sa pahayag ni Marcos noong nakaraang taon na huwag nang ituloy ang pagpapatalsik kay Duterte.

Samantala, matapos ang naturang rally ay ipinahayag ni Bersamin noong Martes, Enero 14, na hindi nabago ng ang posisyon ng pangulo hinggil sa mga nakahaing impeachment complaints laban kay Duterte.

MAKI-BALITA: Peace rally ng INC, ‘di nabago posisyon ni PBBM ukol sa impeachment vs VP Sara – Bersamin

Habang sinusulat ito’y tatlong impeachment complaints ang nakahain laban kay Duterte sa House of Representatives.