Literal na nauwi sa presinto ang isang lalaki na nameke ng police uniform at nag-selfie sa loob ng kampo ng pulis sa General Santos City.
Ayon sa ulat ng lokal news outlet kamakailan, sinita ang 24 taong gulang na lalaki sa loob ng kampo ng pulisya matapos siyang mag-selfie sa monumento ng SAF-44.
Dito na napansin ng mga tauhan ng General Santos City Police Office (GSCPO) ang lalaki kaya't hinanapan umano siya ng katibayan na magpapatunay na isa siyang pulis.
Ayon kay GSCPO Director, Police Colonel Nicomedes Olaivar Jr, sinamantala raw ng lalaki ang dagsa ng mga taong nagnagais dumulog sa pulisya upang makapasok siya sa kanilang kampo.
Inamin naman ng lalaki ang kaniyang ginawa at iginiit na nabili niya raw ang police uniform sa online store.
Nahaharap sa umano sa patong-patong na reklamo ang lalaki, kabilang na ang usurpation of authority at illegal use of police uniform.