Muling bibida si Philippine’s first Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa nakatakdang parangal sa kaniya bilang isa sa mga Sports Hall of Famer ng bansa.
Si Diaz ang Pinay weightlifter at unang atletang Pinoy na nakasakungkit ng unang gintong medalya ng bansa noong 2020 Tokyo Olympics.
Ayon sa ulat ng ilang local media outlet, igagawad ang pagkilala kay Diaz sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association Awards Night sa The Manila Hotel sa darating na Enero 27, 2025.
Isa si Diaz sa mga maidadagdag sa Hall of Fame ng bansa sa kasama ng ilang sports legendary na sina "Asia's Sprint Queen" Lydia De Vega, "Eight Division World Champion" Manny Pacquiao, "World Bowling Champion" Paeng Nepomuceno, "World Eight Ball Champion" Bata Reyes at Filipino "Chess Grandmaster" Eugene Torre.
Samantala, kasabay din sa naturang parangal ang muling pagkilala kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo bilang "Athlete of the Year," matapos ang makasaysayan niyang Olympic stint noong 2024 Paris Olympic matapos ang kaniyang "back-to-back" gold title sa gymnastics.
KAUGNAY NA BALITA: Carlos Yulo, '2024 Athlete of the Year' ng PSA