January 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec
MB FILE PHOTO

Sinimulan na ng Commission of Elections (Comelec) nitong Huwebes ang disposal ng anim na milyong official ballots na masasayang lamang dahil inisyung temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema na pabor sa ilang diniskuwalipikang kandidato.

KAUGNAY NA BALITA: 6 na milyong printed ballots, na aabot sa halagang ₱132M, masasayang!

Nabatid na isinailalim sa imbentaryo ang lahat ng naimprentang balota at ibiniyahe ang mga ito sa Comelec warehouse sa Sta. Rosa, Laguna para sa kaukulang disposal.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, bawat balota ay nagkakahalaga ng ₱22, kaya’t sa kabuuan aabot sa ₱132 milyon ang halaga ng pondong nasayang sa kanila.

Eleksyon

Ilang araw matapos ipatupad election period, gun ban violators, pumalo na sa 85 katao

Bukod dito, magkakaroon rin aniya ng dalawang linggong delay o pagkaantala sa pag-iimprenta ng mga balota.

Sa kabila naman nito, tiniyak ni Garcia na matutuloy ang pagdaraos ng midterm polls sa Mayo 12.

Una nang itinakda ng Comelec ang deadline sa pag-iimprenta ng mga balota hanggang sa Abril 14 dahil kinakailangan pang ibiyahe ang mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa buong bansa.