January 16, 2025

Home BALITA National

DFA, inaasikaso na pag-uwi sa mga labi ng Pinay na pinaslang ng asawa sa Slovenia

DFA, inaasikaso na pag-uwi sa mga labi ng Pinay na pinaslang ng asawa sa Slovenia
(Photo courtesy: DFA/FB; Mitja Kocjancic/IG)

Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Enero 16, na inaasikaso na ng pamahalaan ang pag-uwi sa mga labi ng Pilipinang nasawi sa Slovenia matapos umano itong paslangin ng asawang foreigner.

Sa isang pahayag, ipinaabot ng DFA ang pagkondena ng pamahalaan ng Pilipinas sa sinapit ng Pinay na si Marvil Facturan sa kamay ng asawa nitong Slovenian na si Mitja Kocjančič.

“The Philippine Government condemns the tragic incident that caused the demise of a Filipino citizen in Slovenia, and expresses its heartfelt condolences to the bereaved family here in the Philippines,” anang DFA.

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang DFA, kasama ang Philippine Embassy in Vienna at iba pang kinauukulang ahensya, sa mga awtoridad ng Slovenia upang agad na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng Pinay pagkatapos makumpleto ang lahat ng “requisite forensic processes.”

National

Malacañang, naglabas ng pahayag hinggil sa komento ni Enrile sa INC rally

Matatandaang ayon sa mga ulat, lumipad pa-Slovenia si Facturan kasama ang asawa nito sa Slovenia noong Disyembre 22. Samantala, matapos ang isang linggo, noong Disyembre 29 nang makatanggap ang kaniyang ina mula sa Austrian Embassy na nagsasabing patay na raw ito.

MAKI-BALITA: Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno