Inihain na ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang pagbawi niya ng kandidatura sa pagkasenador nitong Huwebes, Enero 16.
Nagtungo si Singson sa main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila dakong 10:00 ng umaga nitong Huwebes upang iatras ang kaniyang certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.
Matatandaang noong Enero 12, 2025 nang ianunsyo ni Singson na hindi na siya tatakbo bilang senador dahil daw sa kaniyang kalusugan.
“Hindi po biro ang kampanya, lalo na ang trabaho ang isang senador, kung talagang magtatrabaho. At ayaw kong ipilit ang aking kalusugan ang maaaring magdusa,” saad ni Singson.
MAKI-BALITA: Chavit Singson, umatras na sa senatorial race