Isang magnitude 4.9 na lindol ang tumama sa probinsya ng Leyte nitong Huwebes ng madaling araw, Enero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:03 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Calubian, Leyte, na may lalim na 7 kilometro.
Itinaas ang Intensity V sa Biliran at Naval, BILIRAN; Calubian, Leyte, at Tabango, LEYTE, at Intensity IV sa Almeria, Cabucgayan, Caibiran, Culaba, at Kawayan, BILIRAN; Babatngon, Barugo, Capoocan, Carigara, Kananga, Matag-Ob, San Miguel, at Villaba, LEYTE.
Nasa Intensity III naman ang City of Bogo, Borbon, Catmon, Daanbantayan, Medellin, Sogod, and Tabogon, CEBU;CITY OF CEBU; Maripipi, BILIRAN; Balangiga, Giporlos, at Lawaan, EASTERN SAMAR; Albuera, Burauen, Dagami, Dulag, Isabel, Jaro, Merida, Palo, Palompon, Pastrana, Santa Fe, Tabontabon, Tanauan, and Tunga, LEYTE; ORMOC CITY; CITY OF TACLOBAN; Calbiga, at Santa Rita, SAMAR, habang Intensity II sa Carmen, Consolacion, Danao City, Liloan, and City of Talisay, CEBU; CITY OF MANDAUE; City of Baybay, LEYTE, at Intensity I sa City of Naga, CEBU.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - Leyte, LEYTE
Intensity III - City of Bogo, CEBU; Carigara, LEYTE
Intensity II - City of Cebu, CITY OF CEBU; Kananga, LEYTE; ORMOC CITY
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit inaasahan daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.