January 16, 2025

Home BALITA National

29 pulisya may arrest order matapos masangkot sa umano'y ₱6.7 bilyong halaga ng ilegal na droga

29 pulisya may arrest order matapos masangkot sa umano'y <b>₱6.7 bilyong halaga ng ilegal na droga</b>
Photo courtesy: Balita file photo, pexels

May arrest order na mula sa Manila Regional Trial Court ang 29 na pulis na sangkot umano sa ilegal na droga.

Taong 2022 nang maharap sa alegasyon ang nasabing mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), sa umano’y iregularidad sa nasabat na 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.7 bilyon sa Tondo, Maynila. 

Ayon sa ulat ng isang local media outlet nitong Huwebes, Enero 16, 2025, tinatayang 20 sa mga suspek ang nananatiling "active duty" sa PNP, habang lima ang "commissioned officers," dalawa ang lieutenant colonel habang "non-commissioned officers" naman ang iba pa. 

Ipinag-utos din umano ng korte ang paggamit ng body-worn cameras at recording devices sa pag-aresto sa mga nasasangkot na miyembro ng kanilang ahensya. 

National

Southern Leyte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Sa pahayag ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, nakakasa na raw ang task-force para sa pag-aresto ng mga suspek.

"We assure the public that justice will be served. Those responsible for tarnishing the PNP’s reputation will be held accountable both criminally and administratively."

Samantala, ayon naman kay PNP Brig. Gen. Jean Fajardo, ang lima sa mga nasabing suspek na nanatili pa ring aktibo sa serbisyo ay naka-duty sa National Capital Region (NCR), apat ang nasa Ilocos, tatlo ang mula sa Mimaropa, dalawa ang nasa Calabarzon at tig-iisa sa Central Visayas. 

Siyam naman mula sa mga suspek ang posible umanong isailalim sa manhunt operations.