January 15, 2025

Home BALITA National

Pagtaas ng presyo ng kamatis, nais paimbestigahan ng Kamara

Pagtaas ng presyo ng kamatis, nais paimbestigahan ng Kamara
Photo courtesy: Pexels

Nais paimbestigahan ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee ang umano’y biglaang paglobo ng presyo ng kamatis sa merkado.

Kamakailan lang ay isinumite ng naturang mambabatas ang House Resolution No. 2158 na naglalayon daw matukoy ang mga nagmamanipula sa supply at presyo ng kamatis.

“There is a need to take decisive action and measures from the government to protect our consumers as well as the livelihood of Filipino farmers through stricter and serious enforcement of laws, which the inquiry must ascertain and realize,” ani Lee sa media.

Nakasaad din sa resolusyon na bagama’t maraming posibleng nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng kamatis, hindi umano imposible ang patuloy na pananamantala ng ilan sa kalakaran nito sa mga pamilihan.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

“The high prices of tomatoes may be attributed to various factors including adverse weather conditions, production challenges, and logistics problems, but there is a growing concern that price manipulators, hoarders, and smugglers may be playing a role in artificially inflating prices,” anang resolusyon.

Batay sa ulat ng isang local media outlet nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, tinatayang naglalaro sa ₱200 hanggang ₱360 kada kilo ang presyo ng kamatis, habang ₱20 naman kada isang piraso sa sa ilang pamilihan sa Metro Manila.