Inanunsyo ng Office of the Vice President (OVP) na walang pondo ang kanilang medical and burial assistance program sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).
Sa maikling pahayag nitong Miyerkules, Enero 15, sinabi ng OVP, na pinangungunahan ni Vice President Sara Duterte, na walang aprubadong pondo para sa kanilang mga naturang programa sa ilalim ng 2025 GAA.
"We apologize for the inconvenience," dagdag pa ng OVP.
Ang 2025 GAA ay may kaakibat na ₱6.352-trillion na pondo para sa mga ahensya ng gobyerno. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Disyembre 30, 2024.
BASAHIN: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025
Samantala, habang isinusulat ito wala pang pahayag Senado at Kamara, na silang nagratipika ng 2025 national budget.