January 15, 2025

Home BALITA

Malacañang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>
Photo courtesy: Manila Bulletin,OVP/Facebook

Naglabas ng maiksing komento ang Malacañang hinggil sa umano’y planong pagtakbo ni Vice President Sara Duterte sa national elections sa 2028.

Sa panayam ng media kay Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, iginiit niyang pribilehiyo raw ng bise presidente ang pagtakbo sa susunod na eleksyon.

“Welcome…No, I think it’s too premature but it’s her privilege,” ani Bersamin.

Matatandaang noong Enero 13, nang tahasang igiit ni VP Sara na kinonsidera niya ang pagtakbo sa darating na national election sa 2028.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa pagtakbo sa 2028 national elections: 'We are seriously considering'

Kaugnay nito, diretsahan din namang inihayag ni  ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang kaniyang hiling kung sakali mang magkatotoo ang pagkandidato ng pangalawang pangulo sa 2028.

“Pero, well, sana hindi siya manalo,” ani Castro.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Castro sa plano ni VP Sara na tumakbo bilang pangulo: 'Well, sana hindi siya manalo!'