January 15, 2025

Home BALITA National

Imee Marcos, 'di nakatanggap ng imbitasyon para sa dinner sa Bahay Pangulo

Imee Marcos, 'di nakatanggap ng imbitasyon para sa dinner sa Bahay Pangulo
photo courtesy: Imee Marcos and Liza Marcos (Facebook)

Hindi raw nakatanggap ng imbitasyon si Senador Imee Marcos sa ginanap na dinner nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos kasama ang ilang mga senador at mga asawa nila.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng First Lady ang larawan ng naturang dinner na ginanap sa Bahay Palasyo noong Enero 13. 

Makikita sa larawan ang mga senador na sina Bong Revilla, Francis Tolentino, Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Francis Escudero, Cynthia Villar, Alan Peter Cayetano, Koko Pimentel, Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, at Robin Padilla.

"Dinner with Senators and their spouses," mababasa sa caption ng post.

National

OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program

Wala sa larawan sina Senador Grace Poe, Risa Hontiveros, Bong Go, at Bato Dela Rosa.

Samantala, sa ulat ng GMA News, itinanong umano nila ang mga senador na wala sa larawan.

Ayon daw kay Senador Poe, nandoon daw siya sa dinner pero na-late lamang siya sa group picture kaya wala raw siya sa larawan. Habang si Senador Marcos naman ay hindi raw nakatanggap ng imbitasyon ang opisina niya.

"I didn't attend, office didn't receive any invite," saad ng senadora sa GMA News.  

Matatandaang noong din Enero 13 ang araw ng pagtipon-tipon ng mahigit 1.58 milyong miyembro ng INC sa Quirino Grandstand sa Maynila upang ipanawagan daw ang “peace and unity” sa bansa. Kasabay nito ay 12 sites pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsagawa ng INC peace rally.

Layunin din daw ng naturang peace rally ang pagpapaabot ng INC ng suporta sa pahayag ni Marcos noong nakaraang taon na huwag nang ituloy ang pagpapatalsik kay Duterte, na sa ngayon ay nahainan na ng tatlong impeachment complaints sa Kamara.