Inihayag ng Philippine National Police na umakyat na sa 85 gun ban violators ang kanilang naitala magmula nang mag-umpisa ang election period noong Enero 12, 2025.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, may ilang indibdwal daw silang napatawan ng paglabag sa gun ban, bagama’t may mga permit daw ito mula sa Commission on Elections (Comelec).
“Since nag-start na ang election period, only those individuals na may exemption sa Comelec [can bring firearms]. Ang iba, kahit sila ay may permit to carry firearms outside residence, ay sanctioned sila ng gun ban,” ani Fajardo.
Saad pa ni Fajardo may dalawa umano silang nahuling miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel, isa mula sa Bureau of Corrections (BuCor), tatlong security guard at isang government worker mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, nasa 86 firearms na raw ang nakumpiska ng PNP kung saan 31 sa mga ito ay revolver, tatlong shotgun at isang rifle.
Nasa Central Luzon naman umano ang may pinakamaraming nakumpiskang baril kung saan umaabot na it sa 25, sinundan ng National Capital Region na may naitalang 20 nasabat mula sa checkpoints at Ilocos Region na may 9.
Mananatili ang gun ban at Comelec checkpoints hanggang Hunyo 11, 2024.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga dapat malaman sa pagsisimula ng 'election period'