January 15, 2025

Home BALITA National

De Lima sa impeachment ni VP Sara: 'The time to act is now!'

De Lima sa impeachment ni VP Sara: 'The time to act is now!'
Photo Courtesy: Atty. Leila De Lima, Inday Sara Duterte (FB)

Hinimok ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist first nominee Atty. Leila De Lima ang Kongreso na kumilos na para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sa pahayag na inilabas ni De Lima noong Martes, Enero 14, sinabi niya na ang posibleng pagkaantala umano ng impeachment ay nangngahulugang pinahihintulutan ng Kongreso ang abuso sa kapangyarihan, paggasta sa pondo ng bayan, at kawalan ng kakayahang mamuno. 

“The continuing inaction of the House fosters impunity, undermines its constitutional role, and erodes public trust. By failing to act, the House risks aligning itself with the very abuses it is duty-bound to check. It diminishes its leadership at a time when the Vice President’s contentious tenure has already deepened national division and discontent,” saad ni De Lima.

Kaya naman panawagan niya, “The time to act is now. We urge the House to proceed with transparency, urgency, and integrity. Let it send a clear and resounding message: that it stands with the Filipino people, honors its constitutional duty, and will never tolerate the abuse of power.”

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Matatandaang si De Lima ang tumayong tagapagsalita ng iba’t ibang civil society leaders na naghain ng unang impeachment complaint laban kay Duterte sa Kamara noong Disyembre 2, 2024.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, tatlong impeachment ang nakabinbin sa Kamara laban sa bise-presidente.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders