January 15, 2025

Home BALITA National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Nalagpasan ng Davao City ang Maynila sa pagkakaroon nito ng pinakamatinding “traffic” sa buong Pilipinas batay sa 2024 TomTom Traffic Index.

Batay sa naturang datos ng TomTom Traffic Index, nasa ikawalong puwesto sa buong mundo ang Davao City mula sa kabuuang 500 na siyudad sa buong mundo, habang nasa ika-14 na puwesto naman ang Maynila.

Ang Traffic Index ay ang taunang pag-aaral sa transportation data na isinasagawa ng TomTom Traffic sa buong mundo. Kaugnay ng kanilang datos sa 2024 mula sa 62 mga bansa, isa ang Davao City sa may malala umanong mabagal na usad-trapiko kung saan tinatayang aabot daw sa 28 minuto ang biyahe ng mga motoristang nagmamaneho o bumibiyahe ng 10 kilometro.

Pasok din ang Caloocan City sa ika-26 puwesto sa naturang traffic index. Samantala, pagdating naman sa “congested city’ sa buong mundoo, nasa ika-9 naman ang naturang lungsod habang nasa-10 ang Maynila.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Naitala naman sa Barranquilla, Columbia ang may pinakamalalang problema sa trapiko sa buong mundo, kung saan tinatayang aabot daw sa 36 minuto ang travel time ng bawat motorista kada 10 kilometro..

Nasa Thousand Oaks, California naman ang may pinakamabilis na usad ng trapiko kung saan aabot lamang ng 8 minuto ang travel time ng mga motorista kada 10 kilometro.