January 15, 2025

Home BALITA National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering
Photo courtesy: House of Representatives/Facebook

Inaprubahan ng Department of Justice (DOJ)ang tinatayang 62 counts of money laundering charges laban kina dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo (Guo Hua Ping) at 31 pang kataong may koneksyon umano sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa naturang lalawigan. 

Sa panayam ng media kay DOJ spokesperson Mico Clavano, nagdesisyon umano ang panel of prosecutors na sampahan ng 26 counts of money laundering si Guo sa paglabag niya sa ilalim ng section 4(a) of the Anti-Money Laundering Act (AMLA). Bukod pa ito sa isa pang rekomendasyon na five counts of money laundering sa paglabag niya ilalim naman ng section 4(b) kaugnay naman daw ng “conversion, transfer, or disposition or movement of monetary instruments” sa mga anomalya daw niya.

May rekomendasyon din ang prosecutors na 31 counts of violation sa ilalim ng section 4(b) ng AMLA.

“Yun po ay findings din ng ating law enforcement agencies and as a result, that's where they profited. Doon sila nagkapera at ginamit yung pera na yun para pambili ng iba’t ibang assets,” ani Clavano.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Si Guo ang kontrobersyal na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na nauugnay sa isa sa malaking operasyon ng POGO sa bansa na ngayo’y nasa kustodiya na ng Pasig City Jail.