February 05, 2025

Home BALITA National

Matapos INC rally: Ibang mga Pinoy, dapat magsalita na rin ukol sa VP Sara impeachment – Rep. Acidre

Matapos INC rally: Ibang mga Pinoy, dapat magsalita na rin ukol sa VP Sara impeachment – Rep. Acidre
(MB file photo)

Iginiit ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na dapat mapakinggan na rin ang iba pang mga Pilipino hinggil sa kanilang posisyon sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang isinagawang “National Rally for Peace” ng Iglesia Ni Cristo (INC) nitong Lunes, Enero 13.

Nitong Lunes nang magtipon-tipon ang mahigit 1.58 milyong miyembro ng INC sa Quirino Grandstand sa Maynila upang ipanawagan daw ang “peace and unity” sa bansa. Layunin din daw ng naturang peace rally ang pagpapaabot ng INC ng suporta sa pahayag ni Marcos noong nakaraang taon na huwag nang ituloy ang pagpapatalsik kay Duterte bilang bise presidente. Kasabay nito ay 12 sites pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsagawa ng INC peace rally.

MAKI-BALITA: INC, naghahanda ng rally para tutulan impeachment complaints laban kay VP Sara

MAKI-BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara

National

House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte

Sa isa namang panayam sa telebisyon na iniulat ng Manila Bulletin, iginiit ni Acidre na naisip niya hinggil sa nasabing rally ng INC kung ano naman daw ang pananaw ng ibang mga Pilipino hinggil sa impeachment laban kay Duterte.

“Syempre magandang isipin din at magandang pakinggan na ano pa yung sinasabi ng iba. Alam naman natin kung gaano karami yung [INC] at meron sila na halos 3 million na miyembro sa buong Pilipinas, but we also would want to know what the others are thinking," ani Acidre.

"It’s also helpful to listen to others in shaping your own opinion especially when their opinion is different from yours," dagdag niya.

Samantala, muli ring binigyang-diin ng House assistant majority leader na mahalaga umanong maipaliwanag kung bakit dapat magpatuloy ang proseso ng impeachment.

"Hindi naman ‘yung ibabalewala natin, pero siguro it's also a challenge for us to explain bakit mayroon ganitong impeachment process na mangyayari o nangyayari… To hold someone accountable through the impeachment process is necessary and definitely a part of our democratic system," saad ni Acidre.

Habang sinusulat ito’y tatlong impeachment complaints ang nakahain laban kay Duterte sa House of Representatives.

Kasama sa binanggit ng mga complainants na grounds ng paghahain nila ng reklamong pagpapatalsik kay Duterte ang umano’y maling paggamit ng confidential funds ng kaniyang ahensya.

KAUGNAY NA BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders