January 15, 2025

Home SPORTS

John Amores nagpunta kay Boss Toyo para ibenta JRU jersey, sulat ni VP Sara

John Amores nagpunta kay Boss Toyo para ibenta JRU jersey, sulat ni VP Sara
Photo courtesy: via MB/Pinoy Pawnstars (YT)/John Amores (FB)

Ang kontrobersiyal na basketball player na si John Amores ang naging bisita ng vlogger na si "Boss Toyo" sa kaniyang "Pinoy Pawnstars" noong Enero 11 kung saan may bitbit itong dalawang bagay na mahalaga sa kaniya para ibenta sa content creator at pawnshop owner.

Dala-dala ni Amores ang jersey ng Jose Rizal University (JRU) na kaniyang suot nang magwala siya at manapak ng mga kapwa manlalaro mula naman sa College of Saint Benilde sa naganap na National Collegiate Athletic Association o NCAA Season 98 noong November 2022. Dahil dito, napatawan siya ng indefinite suspension sa paglalaro.

MAKI-BALITA: John Amores, sinapak ng indefinite suspension ng NCAA, JRU

Pero hindi rito nagtapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Amores matapos siyang tanggalan ng professional license dahil sa insidente naman ng umano'y pamamaril sa mga nakalaro niya sa Laguna.

Amores magle-lechong manok business muna: 'Mapapa-knockout ka sa sarap!'

MAKI-BALITA: Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaugnay naman sa naging indefinite suspension sa kaniya dahil sa pananapak ay nakatanggap ng sulat si Amores mula sa noo'y kapapanalo pa lamang na si Vice President Sara Duterte, na nagbigay ng payo sa kaniya matapos kuyugin ng mga galit na basher.

MAKI-BALITA: Nanapak na JRU basketball player John Amores, nakatanggap ng liham mula kay VP Sara

MAKI-BALITA: Words of wisdom ni VP Sara kay Amores sa liham: 'Remember the lesson not the mistake'

Nais ibenta ni Amores ang jersey at sulat sa presyong ₱200k pero hindi pumabor dito si Boss Toyo. May tinawagan pang eksperto si Boss Toyo para alamin kung magkano mabibili ang kontrobersiyal na uniporme ni Amores. Sa huli, nagkabatakan sila sa halagang ₱67,500.

Pinapirmahan ni Boss Toyo ang dalawang item kay Amores.

Sa ngayon daw, habang wala pa siyang trabaho ay gagamitin niya ang pera sa negosyong lechon manok, na may pangalan na raw na "Amores Mapapa-knockout."

Sa huli, nasabi rin ng basketball player na muli niyang babalikan at bibilhing muli ang jersey kapag nagkapera na siya, dahil aniya, mahalaga ito para sa kaniya.