January 15, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Atty. Jesus Falcis, nilantad 'resibo' na 'di raw nagpaalam si Darryl Yap

Atty. Jesus Falcis, nilantad 'resibo' na 'di raw nagpaalam si Darryl Yap

Nagbigay ng reaksiyon at naglabas ng "resibo" ang abogadong si Atty. Jesus Falcis tungkol sa pahayag ng legal counsel ni Darryl Yap na si Atty. Raymond Fortun, na binigyan ng kaniyang kliyente ng kopya ng "The Rapists of Pepsi Paloma" script si "Eat Bulaga" host Vic Sotto subalit wala raw itong komento o feedback kahit finallow-up.

"The purpose was really for them to give comments doon sa script," saad ng abogado, sa panayam ng GMA Integrated News kamakailan.

"Wala naman po, ilang beses nag-follow-up di Direk Darryl tungkol doon until finally na-shoot na lahat ng mga scenes. So, hindi na namin kasalanan 'yon," paliwanag pa ni Fortun.

MAKI-BALITA: Vic Sotto, pinadalhan daw ng script ng 'The Rapists of Pepsi Paloma'

Pelikula

Kita ng 50th MMFF, mababa kumpara noong 2023?

Bagay na pinabulaanan naman ng kapatid ni Vic na si dating senate president at re-electionist Tito Sotto III sa pamamagitan ng kaniyang X post.

Aniya, ibang "Vic" daw ang nakatanggap ng script, at ito ay si Vic Del Rosario na boss ni Direk Darryl na siyang may-ari ng VIVA Films.

Pero unfortunately, tinurn down umano ni Del Rosario ang pitch ng direktor, kaya ibang outlet ang nag-produce ng biopic movie ni Pepsi Paloma.

MAKI-BALITA: Tito Sotto binara kampo ni Darryl Yap, ibang 'Vic' daw nakatanggap ng script

Samantala, nagkomento naman si Falcis sa mga naging pahayag ni Fortun, at naglapag ng mga screenshot mula sa mga dating posts at komento ni Yap tungkol sa isyu ng "pagpapaalam."

"One step forward, one step backward etong si Atty. Raymond Fortun," mababasa sa post ni Falcis.

"Good move yung pag consolidate nya ng criminal case for Cyber Libel sa Petition for Writ of Habeas Data. Ang savage nya nung sinabi nyang dapat alam daw ni Atty. Buko Dela Cruz yung rules - na pag may criminal case filed, consolidated dapat duon yung pag request ng writ of habeas data through a motion."

"Kaso, one step backward din si Fortun dahil contradiction and kasinungalingan ang sinasabi nyang may kopya ng TROPP script si Vic Sotto."

"Mismong kliyente na nya na si DY ang nagsabi nuon na hindi nagpaalam or binigyan ng script ang TVJ or sina Vic Sotto."

"Multiple times sinabi yan ni DY sa FB page nya sa mga comments section. Either hindi nya alam or hindi sinasabi ni DY sa kanya ang totoo. Dapat kausapin nya kliyente nya ng maayos! " aniya.

Sa comment section naman ng kaniyang post ay inilapag naman ng abogado ang sinasabi niyang resibo.

Photo courtesy: Screenshot from Darryl Yap via Atty. Jesus Falcis (FB)
Photo courtesy: Screenshot from Darryl Yap via Atty. Jesus Falcis (FB)

Isang netizen naman ang nagkomento sa post ng abogado. 

"Baka ilang beses nagfollow up 'after the case has been filed?' Baka under the pretext of settling the case amicably? I know it sounds ridiculous pero I'm just trying to eliminate all other possibilities," saad ng netizen. 

Tugon naman ni Atty. Falcis, "May insider ako sa Sotto camp eh and they say until now wala. But their contention is even before wala talaga."

Sinilip ng Balita ang Facebook account ng direktor subalit wala pa siyang post or komento tungkol dito.

Matatandaang ipinagbigay-alam din ng direktor na lumabas na ang gag order ng korte na nagbabawal sa dalawang partido na magkomento tungkol sa kaso.