Itinanggi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang umano’y intensyon niya ng pamumulitika sa kaniyang pakikiisa sa inorganisang “National Rally For Peace” ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Sa panayam ng media nitong Lunes, Enero 13, sinabi ni Dela Rosa na pumunta raw siya sa rally bilang Pilipinong nakikiisa sa ipinapanawagan ng INC na kapayapaan.
“I’m here not to be endorsed. I’m here to join bilang isang Pilipino. Nakikiisa ako sa purpose nitong rally na ito. Hindi po ako pumunta dito para magpa-endorse or mamumulitika,” saad ni Bato.
Dagdag pa ng senador, “It doesn’t matter po kung anong denomination ka, anong sekta ka. Basta kung ikaw ay Pilipino at gusto mong makiisa sa mga kababayan mo na gusto ng kapayapaan, sumama ka rito.”
Matatandaang muling tatakbo bilang senador si Dela Rosa sa darating na Halalan 2025 sa ilalim ng Duterte-wing party na PDP Laban.
Samantala, nauna nang magpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kakandidato sa naturang halalan na huwag samantalahin ang rally ng INC para umepal.
MAKI-BALITA: Comelec sa mga kandidato para sa National Rally for Peace: 'Iwasang maging epalitiko'