May nilinaw ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap tungkol sa mga kumakalat na tsikang babaguhin daw ang pamagat ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma."
Kaugnay pa rin ito sa kasong 19 counts of cyber libel case na isinampa laban sa kaniya ni "Eat Bulaga" host Vic Sotto, matapos mabanggit nang direkta ang kaniyang pangalan sa teaser 1 ng pelikula.
MAKI-BALITA: Vic Sotto, sinampahan na ng kaso si Darryl Yap kaugnay ng ‘Pepsi Paloma’ movie trailer
Paglilinaw ni Yap sa kaniyang Facebook post, hindi babaguhin ang titulo ng biopic movie subalit may ilang mga sinehang nag-abiso nang hindi nila ilalagay o ipapaskil ang salitang "rapists" kundi "Pepsi Paloma" lamang.
"Hindi po binago ang title ng #TROPP #TROPP2025 THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA," aniya.
"Meron lamang pong mga sinehan sa bansa ang nagpauna nang nagsabing hindi sila maaaring magpaskil ng salitang RAPISTS kaya ang makikita lang sa kanila ay #PEPSIPALOMA," paliwanag ng direktor.
"Ako po ay 7 years pa lamang sa Industry, walang sapat na makinarya laban sa trolls, fake news, pag pabor ng mainstream media."
"Ang Pelikula po, mabawasan man o madagdagan ng salita o kataga, iisa lamang ang basa—
KATOTOHANAN."
Dagdag pa niya, "Pakaabangan ang Official Trailer at ang pag-aanunsyo kung kailan sa Pebrero ipalalabas ang aming munting Pelikula."