January 14, 2025

Home BALITA

Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang chairman ng House Committee on Appropriations

Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang chairman ng House Committee on Appropriations
Photo Courtesy: Zaldy Co (FB)

Bumaba na sa kaniyang posisyon bilang chairman ng House Committee on Appropriations si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co nitong Lunes, Enero 13.

Sa inilabas na pahayag ni Co, sinabi niyang nakabatay umano ang desisyon niyang magbitiw sa kalagayan ng kaniyang kalusugan. 

“The highly demanding nature of my role has taken its toll, and I now need to prioritize seeking the medical attention necessary for my well-being,” saad ni Co.

“I have always served at the pleasure of the majority. I am deeply honored to have been entrusted with the immense responsibility of steering the nation’s budget in service of the House of the people and the constituents we represent,” wika niya.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Dagdag pa ng kongresista: “In the past three years, I take pride in our collective accomplishments, particularly the Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), which provide critical support to those with income insufficient for their family needs. As the proud sponsor and shepherd of the budgets for 2023, 2024, and 2025, I ensured alignment with the President’s eight-point economic agenda.”

Matatandaang isa si Co sa inakusahan ni Vice President Sara Duterte na kumuha umano sa budget ng Department of Education (DepEd) na kalaunan ay naging dahilan kung bakit binitawan daw nito ang pagiging kalihim ng nasabing ahensya.

MAKI-BALITA: VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

Ngunit sa isang panayam ay pinabulaanan ni Co ang bintang ng bise-presidente.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, pumalag sa bintang ni VP Sara: 'Pambubudol na naman po 'yan!'